9 Cute But Annoying Things Your Cadet BF Tells You

 

1.

Situation: Pagkatapos niyong kumain at nakaupo pa kayo sa table kung saan kayo kumain, say, sa food court or any other restaurants, tapos ikaw: bigla kang naglabas ng mirror kasi titignan mo lang naman kung meron kang dumi sa mukha or ngipin… sasabihin niya, “My, hindi dito ang tamang place para magmake-up, ‘dun ka dapat sa sink.”

2.

Everytime na kakain ka ng certain fruit, like saging, sasabihin niya, “Alam mo ba My, tinuruan kaming kumain ng ganyan in a formal way, parang ganito ‘ata iyon.” Tapos kukunin niya iyong knife, itatry niyang i-fruit ninja iyong saging, mula sa balat, hanggang sa magiging bite size na lang. Hahaha omg

3.

Ganun din ‘pag kumain kayo ng crab. Haha

4.

‘Pag may pinapakuha ka sa bag mo, tapos nakita niya iyong 2 Liters mong tubig sa bag (‘e bakit health conscious ka nga) ito ang sasabihin niya, “ Ay grabe siya oh. Ano ka Kinder? ‘Pag magdadala ka ng tubig, dapat 350mL lang para hindi masyadong mabigat, para ka namang sasali sa marathon sa 2 Liters mo.” haha Grabe, specific tlga, 350mL tlga?! ‘e ano ba kasing mali sa 2 Liters, e ‘pag uminom ako ng isang beses, kulang ang dalawang baso ng tubig? Tapos buong araw ko pa iyon iinumin, kulang pa ang 2 Liters na iyon sa isang araw ko, ano.

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

5.

Kapag naglalakad kayo galing Session Road, papuntang SM, tapos ang bagal mong maglakad, “My, ang bagal nating maglakad, bilisan natin konti.” Tapos iirapan mo siya, bigla na lang niyang sasabihin, “Sige na nga, slowly lang tayo, parang nagpaparada.” Tapos gagayahin niya iyong paglalakad ng parada nila para inisin ka, pagtingin mo sakanya, ang sweet ng ngiti niya, gosh, nalusaw na naman puso mo.

6.

Kapag may bumangga sainyo, tapos ikaw ready to fight ka na ‘dun sa kuyang bumangga sainyo, tapos bigla siyang aakbay sayo tapos ililihis ka niya sa ibang daan, pagtingin mo, wala na iyong kuya na bumangga, nakatakas na. “My, maghahanap ka naman ng gulo e, chill lang tayo ha.”

7.

Kapag tumatawad ka sa tindera, na pwede namang ibigay iyong presyong hinihingi mo, “My, wala ng kikitain iyong tindera, maawa ka naman.”

8.

Kapag magsisine kayo o puntang SM (dahil iyon lang naman yata laging pwedeng puntahan sa Baguio kasi limited lang oras niya sa priv niya) at nakita ka niyang nakaayos ng konti, at naglagay ng konting makeup sa mata mo, sasabihin niya, “Saan ka pupunta?”

9.

‘Pag nagsuot ka ng bago mong damit, tapos iyong tipong hangy, o kaya medyo loose kasi kumportable ka sa ganung suot, sasabihin niya, “Mukha ka na namang buntis sa suot mo ah.” Tapos mag-burst siya into laughters na gusto mo siyang tignan ng masamang tingin pero ang cute niya lang kasi.

Marami pang bagay na nakakainis sa kanila minsan. Siguro dala na rin ng training nila sa Acad. Minsan maaasar ka rin pakiramdam mo lagi kang kino-correct sa mga actuations mo, pero most of the time, masu-sweetan ka kasi alam mo para kang may taga-bantay or taga-payo na nagmamahal sayo unconditionally, hindi lang marunong magpakita ng affection, kasi confused na siya. haha. Iyong tipong sa loob kelangan niyang maging matapang, tapos bigla kang darating sa buhay niya, hindi na niya uli alam pano ba maging soft, or pano ba magmahal…

**ADS HERE: PAANO KUMITA NG EXTRA SA INTERNET: CLICK ME TO FIND OUT**

Extraordinary magmahal ng isang Military man, sinasabi ko sa inyo. Hehe makikita niyo transformation mula Kadete, hanggang maging Junior Officer, hanggang sa pagtaas ng ranggo niya. Oo mahirap, pero worth it lahat ng pagod kasi sila ‘pag nagmahal, wagas. Walang tinitira para sa sarili. Lahat ibibigay sayo. 😉

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE