IMMEDIATELY: This Word I Wouldn’t Want To Hear Before

Once and for all I want to answer all our family’s and friends’ question, “Bakit hindi pa kayo nagpapakasal?”

Natatawa ako kasi lagi na lang ganito ang tanong saamin ng mga friends namin lalo na ang mga pamilya namin…

Bakit nga ba?

Bago ko simulan ang pagrarason ko (haha) gusto ko lang magkwento ng konti tungkol sa nakaraan. /p>

3rd year College ako sa Nursing ‘nung nakilala namin ang isa’t isa. Siya naman Yearling. Pareho kaming 19 years old. Ayun, naging kami ‘nung 20 years old kami… so kung Math ang pag-uusapan, 7 years old na ang relationship namin… ‘Di nga naman talaga pagtatakhan bakit nga ba hindi pa kami nagpapakasal.

So bakit nga ba?

Alam niyo ba iyong IMMEDIATELY?

IMMEDIATELY. Iyan iyong term kapag ikakasal na iyong Kadete right after graduation niya. Niyaya niya rin akong mag-immediately dalawang beses kaso nga lang, para saakin hindi naman practical. hehe Masyado pa kaming bata. 22 years old pa lang kami ‘nun nung grumaduate siya.

Una sa lahat, masyado pa kaming bata. There’s a future ahead of us pa na dapat namin mahanap kumbaga nang mag-isa. Hindi naman sa “kanya-kanya” kaso nga lang, gusto ko makita rin niya ano naghihintay sakanya after ng Academy. Alangan namang pa-kasal kami agad, edi ano susunod ‘dun, magiging tatay na siya? hehe parang masyado pang maaga. Dapat makita muna niya iyong outside world, mamaya niyan ma first assignment syndrome siya e, takot ko lang. lol. pero actually ‘di naman ako nabother ng first assignment syndrome na ‘yan.

Pangalawa, gusto kong mangarap para sa sarili ko. Napakamakasarili lang hehe. Siyempre, grumaduate din ako nagpagod sa review para maging RN, I owe it to myself and to my parents to give back, siyempre. Hindi naman sa pag-ano, pero hindi naman ako lumaki with sliver spoon. Simple lang pamilya namin, and sobrang kayod ni Mama at Papa mapa-graduate lang ako.

Pangatlo, siguro related to sa Pangalawa, gusto ko pang mag-aral sa Pilipinas o ibang bansa. lol

Siguro higit na dahilan bakit ayaw ko pang ikasal sakaniya agad? Kasi gusto kong maging deserving para sakanya. Imagine, you will be marrying a man from the prestigious Military Academy ng Pinas. Kumbaga hindi siya basta-basta. Man in uniform, man of responsibility. Dapat kung mag-aasawa ako ng ganun, katulad niya, gusto kong maging karapat-dapat. Kasi alam ko sa akin siya sasandal. So paano ko siya mabibigyan ng matibay na sandalan kung ako mismo hindi pa ready, tama ba?

Dati, I felt like unworthy of military marriage. Baka hindi pa ako sapat para sa kanya…

***ADS HERE: Find Out How So Many Filipinos Around The World Are Making Full-Time Income ONLINE!***

Hanggang sa tumagal… Siguro less than 2 years na lang, magiging Captain na siya… Habang ako, ganun pa rin… hehe narealize ko, nakuha ko nga iyong pangalawa at pangatlong bagay na pinakaaasam ko sa buhay, pero habang tumatanda kami, na-realize ko hindi pala ako ‘dun sasaya. Gusto ko pala siya ang kasama ko habang inaabot ko iyong mga pangarap ko…

Ngayon 27 years old na kami… wala pang plans sa wedding or marriage, siguro tama naman iyong sabi nila na habang tumatagal iyong relationship mas lalo niyong hindi maipaprioritize iyong pagpapakasal… mas lalo niyong maiisip na hindi pa kayo ready kasi wala na iyong mapusok na puso na taglay niyo noong medyo bata pa kayo… mas lalong hindi niyo na iyon priority kasi mag-iiba na uli ang prioriites niyo sa buhay.. pwedeng career advancement, pwede ring family-related…

Hanggang ngayon, pakiramdam ko hindi pa ako handa. Sabihin na nilang “matanda” na kami or nasa rightful age na para magpakasal, pero hindi pa sapat e… There’s something out there we need to find out bago namin gawin iyon… Hindi ko alam kung ano, pero kung meron man sa inyo na nakakabasa nito na alam ang pinagdadaanan ko, hehe pwede niyo ba akong i-guide. Ano pa bang kulang?

Dapat ba ganito na lang sasabihin ko,

Sana nag-immediately na lang kami.

Above photo from Mrs. Inchet Rordriguez, OW2012

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE