Love Of A Lifetime: Chapter 1

PMG Notes: This story was contributed by a former Cadet (now an Army Officer), whose love for his girlfriend is unsurmountable, he has to immortalize their story LOL. Itago na lang daw natin siya sa pangalang Cadet J, isa raw siyang simple at mapagmahal na nilalang. Ehem. Actually guys, hindi lang siya basta-bastang Cadet. He graduated top in his class, biruin niyo, hindi lang talaga brawn and brains ang mga Cadets natin, meron din silang big love na nakatago sa dibdib nila (hindi lang halata hehe!). In fairness nakakakilig ang kwento niya. This story is from a Cadet’s POV, first in PMG. Thanks, Cadet J, for trusting PMG!

LOVE OF A LIFETIME

CHAPTER 1: Find Out

September 17, 2010, Friday

Matapos ang limang araw na bagbagan sa acads (academic bombardment), heto, busy na naman ang Cadet Corps sa paglilinis ng kwarto, pagsa-shine ng lahat ng sapatos pati lahat ng metal parts na gagamitin sa parada at pagpe-prepare sa buong barracks para naman every is happy sa buong weekend dahil may privilege kami…

September 18, 2010, Saturday

So heto na nga, Sabado na. Barracks and Ranks Inspection na naman, pagkatapos, Testimonial Parade and review para sa bisita. Normal routine na sa mga Kadete ang Parade and Review every Saturday.

So after ng Parade, vaultfiles nag 60- 60 (ngmamadali) ang lahat para magbihis ng Dress White para sa noon mess. Muntik ko ng makalimutan MOG (Messenger Of the Guard) pala ako. Ito yung mga duty guards na nag i-entertain ng mga bisita sa MAGILAS Visitors Lounge, Lopez Hall at PMA Museum at nag-eexplain sa kanila kung may mga tanong sila about sa Academy or may hinahanap silang kadete. So excuse ako sa noon mess at dumiretso na ako sa MAGILAS Visitors Lounge. Kasama ng ibang MOG, doon lang kami patayu-tayo, palakad-lakad. Tapos lilipat na naman sa Lopez Hall.

**ADS HERE: PAANO KUMITA NG EXTRA SA INTERNET: CLICK ME TO FIND OUT**

 

After noon, may mga bisita nang pumasok at ngtatanong, so ini-entertain naman naming nang maayos. Kamay, Ngiti, Bati ‘ika nga.

Hanggang sa bandang hapon na, mga bandang 1500H (3pm), may dalawang babaeng pumasok sa Lounge. Mga nasa 18 to 19 years old silang dalawa. Noong una dahil pa hard-to-get effect iyong mga moves ko, hindi ko lang pinansin kasi normal na lang naman na may mga bisitang pumapasok. Dahil likas na sa aming mga Kadete ang pagiging “friendly” kinausap sila ng aking mga kasamahang MOG. Syempre dahil shy type din ako, doon lang ako sa tabi. Strikto ang dating, tiger look ang mukha, Mala-Hercules ang Katawan (hahaha).

…Then all of a sudden, napatingin ako doon sa dalawang babae na kakapasok lang sa Lounge. Napansin ko iyong isang babae, parang si Glaiza De Castro ang dating! Artistahin! Sabi ko sa sarili ko, “WOW” mukhang nakita ko na ang babaeng magiging “Love of a Lifetime” ko. Pero dahil pa-hard-to-get nga ako, naghehesitate akong makipag-usap at lumapit sa kanila. Pero dahil audacious Knight naman ako, sige “so what, so what” na lang. Pakapalan na lang ‘to ng mukha. Isa lang pumasok sa isip ko, makuha ang number niya at baka maunahan pa ako ng mga kasama ko (hahaha). Although hindi naman ito ang first time na mag-find out ako ng number kasi lagi akong complying sa Upperclass noon na kuhanin, i-find out iyong number ng mga babaeng sa tingin nila love of the lifetime din nila (hahaha).

So ito na nga…the moment of truth…dahan-dahan ko munang hinugot iyong papel at ballpen ko… dahil may planning process na itinuturo sa Academy tinitingnan kong mabuti iyong bawat anggulo baka naman ma-epic fail ako… Every action must be carefully and strategically planned.

Una, Sinubukan ko munang isulat yung ballpen baka naman mapahiya ako at manghiram pa ako ng ballpen sa kanya.

Pangalawa, tiningnan ko muna kung malinis ba yung papel na pagsusulatan ko, baka naman may ibang number na nakasulat doon.

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

Pangatlo, where will be my axis of advance…saan ko siya lalapitan banda.

Pang apat, dapat may rehearsal pero sa utak ko na lang ginawa iyon. Mahirap na, ma-burn out pa iyong plano ko.

Lastly, mga isang sakong courage, bravery at lakas ng loob lang katapat niyan…

Kabado si Cadet. Actually lahat ng pinaplano ko, hindi nasunod (hahaha). Hindi dahil sa bagal kong mag-react muntik ko nang hindi maabutan. Palabas na sila.

Lumapit si Cadet “Hi maam (vaultfiles na approach)” medyo kabado ako dahil parang mas tiger look pa sa akin kung makatingin. Mukhang strikta. Mukhang Isnabera pero sabi ko nga “so what, so what” na lang iyan. “Pwede makuha ang iyong Mobile number Ma’am”…WOW! Kanina pa ako nagpapaplano ng mga sasabihin ko iyon lang pala iyong masasabi ko…No Go talaga…

“Sinong nagpapakuha?”-tanong niya. Dahil na subdue ako ng kalaban, nabawasan ng kalahating sako iyong courage at bravery ko..

“Yung kasama ko po, Ma’am.” (sabay turo sa kasama ko hahaha)

“Bakit hindi siya ang kumuha?” Naloko na. Mapapalaban ‘ata ung reasoning skills ko ah.

“Ay hindi pala Maam, ako pala talaga ang gustong kumuha.” Buti na lang naisip kong audacious knight ako. Pero mas lalo akong kinabahan baka naman hindi ibigay. Mission Failed ito..

Siguro dahil nakita naman niyang medyo kinakabahan ako at parang lumiliit na iyong boses ko..Naawa naman.. Binigay rin…ayos… Mission Accomplished si Cadet… 🙂

CONTINUE READING:

CHAPTER 2: CALLING & WAITING

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE