Love Of A Lifetime: Chapter 2

LOVE OF A LIFETIME

Read Chapter 1: “FIND OUT”

PMG Notes: This story was contributed by a former Cadet (now an Army Officer), whose love for his girlfriend is unsurmountable, he has to immortalize their story LOL. Itago na lang daw natin siya sa pangalang Cadet J, isa raw siyang simple at mapagmahal na nilalang. Ehem. Actually guys, hindi lang siya basta-bastang Cadet. He graduated top in his class, biruin niyo, hindi lang talaga brawn and brains ang mga Cadets natin, meron din silang big love na nakatago sa dibdib nila (hindi lang halata hehe!). In fairness nakakakilig ang kwento niya. This story is from a Cadet’s POV, first in PMG. Thanks, Cadet J, for trusting PMG!

CHAPTER 2: CALLING AND WAITING

So after ng matagumpay kong mission na ma-find out ang number ni Miss Artistahin… Ooooppppssss… actually di ko pa ‘ata alam iyong pangalan niya (hahaha)

Kasi iyong mission ko lng ay ma-find out iyong mobile number niya at dahil mission accomplished, diito na naman papasok ang aking mga natutunan sa Tactics. Ito ang tinatawag nilang Pursuit Operation (Follow Up Operation)… Dapat malaman ko kung sino siya. 😀

Sa napaka-regimented na buhay ng isang Kadete sa loob ng Academy, dapat mabilis ang iyong mga galaw. Mabilis ka dapat mag react sa bawat situation. Pero sa nakaraang situation, hindi ko na-apply iyon.. tsk tsk Pero ganyan talaga…

So hapon na nga. Umalis na rin sila. Kami nalang magmi-Mistah ang naiwan habang hinihintay na matapos iyong posting namin. Nakatatak pa rin sa aking isipan ang mukha na kahit mas tiger look pa sa akin at mukhang masungit at mataray pero sige tingnan natin kung hanggang saan iyong kasungitan nito sa mga mala-barrage kong diskarte (pero sa personal lumiliit iyong boses hahaha) Ngayon ko lng napagtanto na hindi naman pala lumiit iyong boses ko sa time na iyon. Siguro nagpapa-cute lang ako nun (hahaha).

**ADS HERE: PAANO KUMITA NG EXTRA SA INTERNET: CLICK ME TO FIND OUT**

Okay, sa wakas natapos din ang buong maghapon. We are relieved from our duty as MOG. Eto na talaga ang pinakagusto kong kwento…After naming kumain ng hapunan, nag-early mess na kami para tuloy-tuloy na ang ligaya. Dahil likas na ang palaging nag-do-double time dahil na rin siguro sa nangangati na iyong kamay kong mahawakan ang makamandag kong cellphone nag-dash ‘n dash na ako pabalik sa Barrio area. Doon kasi ang barracks namin noon. Sa sobrang excited ko parang matatalo ko na sa 100m sprint si Usain Bolt (hahaha).

Pag-ibig nga naman oh…

Pagdating ko sa barracks, mabilis pa sa alas kwarto ang bihis ko at dahil privilege is in effect ibig sabihin pwedeng gumamit ng cellphone at dahil hindi na ako posted as guard ayun, diretso na agad sa cellphone rack at kinuha ko na ang makamandag kong cellphone.

Ooppss, muntik kong makalimutan baka nahulog yung pinagsulatan ko nung number. Naloko na. Problema ‘to. Buwis-buhay pa naman iyong pagkuha ko nun.. Muntik maubos boses ko dun ahh.. So pagbalik ko sa kwarto tiningnan ko na.

Eto na talaga.

Dahil nga kanina doon sa MVL hindi ko na binilang kung 11 digits ba talaga iyong naisulat. Hindi ko kasi naiapply iyong stability under pressure. Masyado akong pressurized (hahaha). So binilang ko..Napa. WOW naman si Cadet..

Kumpleto. Eksakto. Walang labis walang kulang. Isa na lang ang dapat kung maconfirm. Kung number ba niya talaga ito. Baka naman ibang number or hinuhugutan lang ako nun or worst pa baka mobile number ng Mental Hospital (hahaha).. Naloko na.. Maiisahan ‘ata si audacious knight ahh…

Para malaman at masagot na itong mga agam-agam ko. I-dial ko na sana…

Oooppppsss

Ibang network.. Naku… Problema talaga ito.. Masusubukan na naman yung mga natutunan ko… Sabi nga “In times of peace prepare for War”… Applicable talaga lahat ng turo ng mga Instructor namin (hahaha)..

Tamang-tama may nabili akong sim na same network sa kanya..Iba na talaga ang laging handa… Problem solved. Dahil single sim lng yung mga cellphone na pinapagamit nun kadete pa kami..Na-apply ko na naman ang aking mga natutunan sa tactics.. Assembly and Disassemly. Ino-orasan kami while performing the disassembly and assembly of rifles, crew served weapons and pistol. So sa pagkakataong ito, hindi rifle o pistol ung i-disassemble or aassemble ko kundi, cellphone. Baklas na naman ng cellphone. Insert new sim card…

Aaaayyyyooooossss!!!! Ang bangis ko talaga.. Simbilis ng kidlat yung mga galaw ko!!!

Pero alam naman natin na sa mundo ng pag ibig puno ng mga challenges na hindi natin alam kung saan nanggagaling at bigla na lng sumusulpot. Eto na nga may sumulpot na naman..

Walang load na pantawag.

Bagong sim card eh.

Panu ko ma-deny or confirm ngayon ito.. Masusubukan na naman at diskarteng malupit ni Cadet.

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

Aha!… Naaalala ko na nagloload iyong parents ng mistah ko (hahaha). Sa madaling sabi, pumunta ako sa room niya, pero evening mess na iyon baka wala siya, pero to my surprise… WOOOW!!!! Andun iyong Mistah ko. Naka sit ups ng nakatagilid at nakapikit. Tulog pala si Cadet. Ang akala ko optional iyong mess (hahaha) pero hindi ko na sabihin kung sino baka mareport pa siya ni TAC-O (hahaha).

Ginising ko Mistah ko, “Bok tama na ang pagsisit ups mo. Naka 1000 reps ka na yata. Paload naman ako sa parents mo bayaran ko na lang.” Sama pa ng gising niya, may balak pa yatang mag 5000 reps sa sit ups pero magmi-Mistah nga, no choice siya..

Ayun dumating na nga iyong load. Excited ako. Alam mo iyong pinaghalong emotions and feelings. The moment of truth na naman..

Tatawagan ko na…kring.. kring…kring..kring.

Naku walang sumagot. Naloko na.. Dial ulit si Cadet…

kring kring kring..

Baka naka silent lang..

Sige pagbigyan natin… Dial na naman ulit..

kring kring kring…

Naisahan yata ako ahh..

Pero nag-riring naman.. So nag-text na ako..baka ma-who you ako neto… “ Hi Ma’am, ako pala iyong kumuha nung number nyo kanina” …ang tapang ko na.. wala na sa harapan eh..

wait lang ako ng mga ilang minutes baka natraffic lang sa Session Road iyong message ko..

Wala pa rin. No sign of life.. Haay.. 🙁

Dial na naman ulit si cadet…mga naka -10 times na ako sa pagda-dial. Wala pa rin..

No sign of Life….

Pero I will never give up..

I still have that intuition that she is just there on the other side of the road… All I have to do is to have a little amount of patience.

Love waits, sabi nga nila.. Mahaba pa naman ang gabi at kahit mgdamag pa.

Takelife ko na lng iyong makamandag kong cellphone (hahaha).

I waited… And waited… And waited…

CHAPTER 3: UNCERTAINTY

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE