Love Of A Lifetime: Chapter 3

LOVE OF A LIFETIME

Read Chapter 1: “FIND OUT”

Read Chapter 2: “CALLING AND WAITING”

PMG Notes: This story was contributed by a former Cadet (now an Army Officer), whose love for his girlfriend is unsurmountable, he has to immortalize their story LOL. Itago na lang daw natin siya sa pangalang Cadet J, isa raw siyang simple at mapagmahal na nilalang. Ehem. Actually guys, hindi lang siya basta-bastang Cadet. He graduated top in his class, biruin niyo, hindi lang talaga brawn and brains ang mga Cadets natin, meron din silang big love na nakatago sa dibdib nila (hindi lang halata hehe!). In fairness nakakakilig ang kwento niya. This story is from a Cadet’s POV, first in PMG. Thanks, Cadet J, for trusting PMG!

CHAPTER 3: UNCERTAINTY

After ng ilang oras kong paghihintay na sagutin ang tawag ko or dumating iyong text kong na-traffic sa session road or ‘di kaya sumabit dun sa mga ngtataasang pine trees at nilalamig na, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Naghihintay pa rin akong umilaw ang makamandag kong cellphone nagbabakasaling mag-reply siya…

Mag 2100H (9pm) na. Malapit na ring matapos ang privilege naming gumamit ng cellphone, so medyo na-lo-low morale na ako kasi mukhang #PAASA lang talaga ang tunay na pag-ibig ko.

Uyyy… umilaw…at dahil dyan may nag-text..

“Sino po sila?” ‘di ko pa na-i-save ang number niya pero dahil bago pa ang sim card ko, siya na talaga ito.. Double check Cadet…

Positive… Siya nga… yehey…. yesss!!!

Alam mo iyong feeling na parang gusto kong gumulong-gulong sa bunks ko at napapangiti ako sa tuwa na ‘di ko ma-explain…

Mahirap ding ipakita sa roommate ko baka i-report ako at madala sa ward 24 (hahaha)…

Ano kayang gagawin ko? Tatawagan or i-text..pati ba naman dito naguguluhan pa ako… Sabi ko na nga ba.. na-traffic iyong message ko sa Session Road…

Decision points… Text or tawag?

Tinawagan ko na…

aheeemmm..

ahhheeemmmm..

aaahhheeeemmm…

Tinesting ko muna iyong boses ko at iyong sasabihin ko… ano kayang mga mabulaklak na linya ang bibitawan ko? Naguguluhan na naman.. Pero never mind..alam ko namang hindi rin effective ang mga rehearsals ko..

Eto na.. kring… kring… kringg…

“Hello? Sino to?”… Wooowwww… Naks naman … Ang lambing ng boses.. mala-anghel… Pilit kong nirerecall kung siya nga ba ito. Baka ma-wowmali ako..Confirmed..Siya nga…

“Hi maam” (hahaha) vaultfiles na intro ko… “Ako po pala yung kumuha ng number niyo kanina.”

“Aaahhh okay”… wow vaultfiles din iyong sagot niya… Isa sa mga malalaking hamon is paano ko makuha yung attention niya at kausapin ako…pero hindi ko pwedeng i-detalye ang mga TTPs ko.. Baka gayahin ng iba (hahaha)…

Parang ang bagal ng oras.. Alam mo iyong feeling na parang ang tagal na naming magkakilala.. Siguro dahil na rin sa mga binitawan kong mga salita na parang malalasong sibat na tumatagos sa puso niya (hahaha)….

So ito na… Nagkatanungan na…ang dami-dami ko na sinabi hindi ko pa pala alam iyong pangalan niya…pero na sa akin iyon.. Kasi para naman akong nagkaka-amnesia sa mga oras na iyon dahil nakalimutan kong tapos na pala yung privilege namin…

Bawal na ang cellphone… Ibabalik ko ba ang makamandag kong cellphone? Or hayaan ko nalang ma-huli at ma-report ako (iyon lang kung kaya akong hulihin ng OC hahahaha)..

So nagtake life ako..para lamang hindi maputol ang aming mala-paraisong usapan at malaman ko na rin kung sino siya…tuloy ang ligaya ni Cadet…nagpakilala na ako…tapos nagpakilala rin siya..

Nung sinabi niya yung pangalan niya…napa-smile ako… Naalala ko kasi iyong commercial…(hahaha)..

Gagamit sana ako ng alias pero hindi ko na ginawa… sinabi ko na iyong totoo.. Full name pa talaga.. Kulang na lang yata pati iyong serial number ko sabihin ko na rin…

**ADS HERE: PAANO KUMITA NG EXTRA SA INTERNET: CLICK ME TO FIND OUT**

After kong masabi iyong full name ko, ayun napabilib niya ako agad… Siguro magaling siya sa scrabble or text twist… Pinagraramble niya iyong last name ko.. Wow… Ang daming words na nabuo… Maasar sana ako dahil sa pag-murder niya sa last name ko pero natawa nalang ako… sa halip, sinabi ko sa kanya “Tandaan mo yang last name na yan kasi yan iyong magiging last name mo sa future” …ang tibay ko talaga (hahaha)…i-daan nalang natin sa tibay ng loob…

Hindi naman siya naasar.. Natuwa naman.. Woooowww… Effective na naman…

Siguro may psychological effect iyon…hindi namin namalayang mag-2400H (12MN) na pala.. Ang haba ng usapan namin.. Unang usapan palang naming iyon ha.. Kahit walang sense iyong mga banat ko minsan okay lang sa kaniya…

Kaya pala hindi niya nasagot iyong tawag ko agad kasi ibang number pala binigay niya..wooowww…magaling din eh..
Muntikan akong maisahan dun ahh… “Nagsimba pa kasi ako”…ay nag-simba naman pala.. Kaya pina-tawad ko na lang sa unang offense niya (hahaha)…

So we call it a night… Sleep na si Miss K….Sleep na rin si Cadet na pangiti-ngiti… Hirap palang kiligin eh…

The next night ganun ulit…Dahil linggo after mass… Kuha na agad ng cellphone… Ayun umuulan na naman ng mga umaatikabong messages…. Kapag napagod sa kaka-text, tawag na naman.. Hanggang gabi… Tuloy tuloy ang ligaya… So kahit isang beses palang kaming nagkita parang napagaan na ang loob namin sa isat isa.. Iba talaga ang nagagawa ng mga mabulaklak kong salita na gusto kong pitasin at ibigay sa kanya (hahaha)…

Papalapit na iyong exam week namin nun.. Pero tuloy-tuloy pa rin si Cadet.. Iyong tipong sasabat na iyong roommate ko, “Huwag kang maniwala dyan… Binobola ka lang niyan” o kaya naman… “Bok, iba na naman ba iyang kausap mo? Si Anne ba iyan?” Siguro kung gawan lang yan ng album sa kanta, nag-platinum at nag-number 1 n yan sa billboard… tsk tsk tsk

Dahil sa itong mga roommates ko naintriga na dahil nalipat na yata iyong Call Center Office sa room namin… Nagtanong sila kung sino raw ba ang kausap ko gabi-gabi at parang hindi raw matatawaran ang mga katagang aking binibitawan… Gusto rin maki-chismis itong mga roommate ko eh… Sinabi ko nalang, “Siya ang babaeng muling nagpatibok sa aking malumbay at nalulungkot na puso” … Parang ayaw nilang maniwala…(hahaha) Ganun ba talaga? ‘Pag nagsasabi ka ng totoo mahirap paniwalaan?

Isang Lunch time namin… Habang papauwi kami ng barracks from Mess Hall… May isang grupo doon malapit sa View Deck. May 3 babae at may ibang mga bisita na namamasyal sa Academy…

To my surprise… Parang may shock effect… Napatigil ako…Parang familiar iyong figure nya…Artistahin…Maputi… Maganda.. Parang kilala ko to ahh…

’Di ko alam iyong gagawin ko.. Siya ba ito or nagha-hallucinate lang ako ng tanghaling-tapat…

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

Siya nga… Siya nga ito.. Anong ginagawa niya dito? Na-miss ba niya ako? Gusto niya ba akong makita? Nawala ba cellphone niya kaya ‘di na siya nag-inform?… Siguro ‘di niya ako napansin kasi sa dami ba naman naming bumababa sa 51 steps…

Siya nga talaga.. Na-hokage moves yata ako ahh.. Hokage pala ito…

Pero dahil Ninja din ako.. Pa-simple akong lumapit sa kanila…

Woooowww…. Nagulat siya…ako ngayon iyong naging Hokage.. ‘di niya akalain na makikita ko siya.. ‘di niya alam parang scanner ‘tong mata ko..

“Hi po, kumusta? Anong gawa niyo dito?”

Hindi pa siya nakasagot, may nag-chorus na sa likod ko (parang proposal ang dating)

Mga isang company na mang-aawait.. pang-choir talaga… ang galling.. Sabay na nga, may intonation pa.. pang-Pitch Perfect na galawan…“Uy..sino na naman yan,?” (Iba na naman yan ahhh).. “Si Anne, Fe, Grace,etc ba yan?”

Ayan, ang ganda ng linya nila.. pang-billboard na talaga….

Ang galing… Natawa nalang sila…

Niyaya ko silang mag-post commissary para naman makasama ko siya nang matagal-tagal…para na rin at least maamoy ko kung ano pabango niya…

Pero hindi ko siya pwedeng mahawakan.. Hanggang tingin-tingin lang muna si Cadet.. For my eyes only…

Alam mo iyong feeling na gusto ko siyang kurutin.. Gusto kong pisilin ang chubby chubby niyang pisngi (hahaha)… Gusto ko na asana mahawakan ang kanyang mga kamay pero hindi pwede eh…ma-report pa ako…(hahaha)

Hanggang sa umuwi na nga sila… Pinasakay ko muna ng taxi… Habang papalayo iyong taxi…naging cyclops na naman iyong mata ko.. Parang gustong butasin iyong body ng taxi Makita lamang siya…

Is this for real? Am I inlove? Or it’s just an illusion… or I’m just being fooled by my emotions? If I’m falling into her world, should I let the gravity to drag me there?
TO BE CONTINUED

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE