LF: Wedding Prep Tips

Desperately Looking For: Wedding Preparation Tips

I’m so happy to share with you that a year from now, I am going to marry the love of my life! I know you all know about it because I’ve posted an article about how he proposed, and until now, I can’t imagine na ito na nga, matutuloy na talaga. Ikakasal na kami ni Sancho! Yipeee…

I know it’s kind of early to really go deep into details, pero, alam niyo naman OC ako, so I’ve tried asking people/wedding suppliers about their price or packages, and sobrang nagulat ako kasi parang dolyar!! Oh no. Reality check: ang mahal magpakasal sa Pilipinas.

Biruin niyo iyon, sa flowers pa lang, it will cost you 60-80k PhP. Flowers pa lang iyan ha wala pang mga theme and all… Video coverage naman, almost a hundred thousand kapag gusto mo talaga iyong magandang klase from pre-nup and all.

At dahil dito, gusto ko mag-ask lalo na sa mga readers nating ikinasal na or may idea about weddings, ano po ba iyong mga dapat i-ready o paghandaan.

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

A LITTLE BACKGROUND: Si Sancho ay Phil Army, ako naman ay Civis and Proud INC po kami. Ang alam ko magkakaroon pa ng BI or Background Inspection ang Military saakin dahil nga ako ay isang civilian at mag-aasawa ako ng isang Sundalo, tama po ba iyon? At siyempre, iba pa iyong mga requirements namin sa Church at sa Munisipyo. Actually wala talaga akong alam, kung saan magsisimula.

Sa mga nakakaalam, pwede niyo po ba akong tulungan? Tips naman po para mas mapadali ang paghahanda namin.

Ang gusto sana naming Venue sa PMA Lopez Hall of Leaders para doon mismo kung saan nagsimula ang lahat… Paano po ba? At paano rin ba kapag mag-ask ng Draw Sword from Cadets? Caterers? PMA Band? Wedding Themes? Wala po akong alam. Hehe This time, I want to ask for your suggestions, and kung may mga idea kayo pwede niyo bang i-share din dito via comments or personal message? Please po!! Super makakatulong talaga!

Looking forward to reading your comments!! Thanks in advance!

Above photo from Ibrahim Asad via pexels.com

FMI: Read Related Article: ONLY GIRL PROBLEM & 10+Wedding Prep Blues

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE