ONLY GIRL PROBLEM & 10+ Wedding Prep Blues

So based on my posted article LF: Wedding Prep Tips, I was asking my readers if they have suggestions/tips regarding wedding preparation for a military-civis wedding happening in Baguio City, specifically at PMA Lopez Hall.

Wala akong idea regarding weddings, because first of all, I do not have sisters, only 4 brothers and a baby brother who is now 25 years old (I have 5 Siblings, imagine, wala man lang naging babae sa kanila ‘nung pinanganak). Apparently, I’ve come from a “wrestling arena”kind of upbringing, where the only “Feminine Model”I know is my Mom, and my “Coaches” are the Barakos of our family–my Dad and my brothers. I’ve played a lot of Barbie Dolls, but I prefer playing Tamiya, Teks, and shooting pellets from play guns my brother used to play. Also, I’ve kind of gotten used to intramuscular pain on my deltoid region because my baby brother used to punch me when we were kids, kasi nga instead of paper dolls, ang nilalaro ko, wrestling, iyon kasi ang uso sa bahay namin. Believe me, kilala ko ang mga Wrestlers ng WWE. In short, wala talaga akong female role model aside from my Mom—who is also a “simple, don’t bring me crap or I’ll punch you in the face” type of a woman, I guess, naging ganun na rin ako hahaha. Pero kidding aside, my Mom is very thoughtful, and very modest, pero gusto lahat pinaplano ang mga bagay, strikto, madiskarte at tough love, pero sa kabila nun sobrang mapagmahal at isa pa, conservative. Hindi lang talaga mahilig si Mama sa mga makeup and all (which is somehow, kabaliktaran sa akin kasi mahilig ako sa makeup).

So to cut the story short, ang hirap mag-prepare ng isang kasalan kapag wala ka man lang idea. Siguro ang naging mentor ko na lang buong buhay ko ay sina Google at Youtube lol. Kapag may hindi alam, Google na agad iyan. Sa Youtube nga lang ako natutong maglagay ng foundation e at maglagay ng paborito ng mga babaeng, KILAY. Haha Kilay is life!

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

Of course, may mga gusto pa rin akong details regarding sa Kasal ko, kapag ikakasal na kami ni Sancho. Ewan ko lang kung mag-aagree kayo, pero somehow, I want to know your thoughts regarding these stuff para naman may mag-advise saakin, hindi lang puro google and youtube.

Wedding “Stuff” I want:

1. Simple and Solemn

Proud Iglesia Ni Cristo kami ni Sancho, and of course belonging to the Church of Christ, gusto naming i-keep ang solemnidad ng Kasal namin kasi sagrado iyon at sobrang napaka-halagang okasyon.

2. Low Cost

Oo matagal na kami, at kapag ikakasal na kami, 9 years na kami nun, kahit sabihin mong may naitatabi na kami, ayaw naman naming i-gastos lahat ng life savings namin sa isang araw–araw na kakasimula pa lang namin sa Buhay May Asawa. ‘Di ba? Don’t get me wrong when I say “low cost” I don’t mean to say na tipirin ko iyong kasal namin, ang gusto ko, detalyado pa rin, desente, pero nasa reasonable price. Guys, maganda na maging practical, pangarap ko pang magka-Sancho Jr. hehe

3. Hand-written Invites

Yes, sulat-kamay. Medyo maka-luma, pero para saakin, classic. Kita niyo iyong logo ng PMG? Sulat-kamay lang iyon, pero digitalized. Lol. Anong naisip niyo, iyong isa-isa akong magsusulat? Hehe pwede rin naman, kaso baka magkaroon naman ng sandamakmak na kalyo ang kama ko niyan. Haha

Maganda bang idea ang hand-written invites? Alam niyo iyong pangarap ko, isang page lang andun na lahat ng detalye. Walang mga ribbon, glitters, kahoy, butones, shining shimmering splendid or whatnots. Gusto ko simple lang talaga, hahaha boyish ba masyado? Lol (Wala naman akong masasabi sa mga gumagamit ng mga mabonggang invites na may glitters or ribbon ha, maganda nga iyon kasi pinaghandaan talaga nila, pero kung sa mismong kasal ko, since ako lang ang gagawa ng invites ko and wala akong alam sa arts gaano, gusto ko iyong kayang-kaya ko lang gawin, and pasok sa bet kong style, kumbaga)

4. DIY Souvenir

May idea na ako sa giveaways/wedding favors, naisip ko parang loot bags na lang, ISA PA, ayoko ng may mukha namin ni Sancho sa Souvenir. Gusto ko iyong dispensable na bagay, iyong nagagamit/nakakain at hindi lang naitatabi sa aparador. Walang memorabilia sa wedding? Ok lang iyon, material na bagay lang naman iyon, basta kasama ka namin sa wedding photos, ok na ok na iyon pantago ng memories, ‘diba?

5. Wedding Hashtag

Guys alam niyo ba talaga ang gamit ng hashtags? #hashtag iyong ganito, para sa mga batang nagbabasa, iyong hindi talaga alam ang gamit (kasi ako rin noon di ko alam ito), ang hashtag ay ginagamit para ma-narrow ang search mo pagdating sa isang topic. For example, gusto mong maghanap ng rustic wedding ideas, so i-type mo sa search button #rusticwedding lahat ng mga rustic wedding photos and posts makikita mo na. So based dito sa idea na ito, kapag ginamit mo ang hashtag (na dapat specific para specific din ang search), makikita mo lahat ng posts and photos sa kasal niyo. Example, #Sancho&Kim2018 #SanchoNaSiKim mga ganitong hashtag ba, hehe, gusto kong mag-incorporate niyan sa kasal ko para kita ko agad mga photos from my wedding.

**ADS HERE: PAANO KUMITA NG EXTRA SA INTERNET:CLICK ME TO FIND OUT

6. Photo Booth

Mahilig ako sa litrato. Mahilig akong kumuha ng litrato, at mahilig akong tumingin ng litrato (mana sa Tatay hehe). Gusto kong makita lahat ng mga taong nandoon sa Kasal ko na nag-eenjoy and doing crazy stuff, siyempre lalabas lang iyan ‘pag naglagay ka ng photo booth. Pero, wala akong idea how much they charge you when you want to hire photo booth services for occasions such as weddings. May idea po ba kayo? Please share naman po saakin. Hehe

7. Flowers and Balloons?

Nasabi ko sa past post ko na 80k ang services ng Florist. Guys, bulaklak lang ito, pero bakit ganito na lang ka-mahal? Actually, kung magaling lang ako sa Ikebana, ako na talaga ang gagawa. Gusto ko lang ng decent boquet, (TBH, wala akong favorite flower, wala akong idea sa bulaklak), at konting mga style lang diyan, buga na iyan. Pero to spend your 80k pesos for flower arrangement, ‘di yata papasa iyon sa pagiging spendthrift ko. Why not incorporate balloons na lang, para hindi solely flowers? Or paper flowers iyong iba? Then mga drapes na Kurtinang ordinaryo lang? Para hindi ganoon ka-mahal? Ano sa palagay niyo?

8. Chairs?

There are regular monobloc chairs, and so-called “Tiffany” chairs, hmmmm… What are your thoughts on this?

9. Wedding Theme

I have no idea! Grabe wala akong alam sa theme theme na iyan. Ano ba iyong maganda? Gusto ko classic lang talaga, simple pero elegante, iyong hindi mabongga. Please turuan niyo ako, ano pa ba ang ibang theme na pwede sa isang military wedding?

10. Pre-Nup Theme

Guys, may theme din ba ang Pre-Nup? Ano naman iyon? E ang gusto lang namin ni Sancho sa PMA magpakuha ng litrato para ‘di na kami lalayo. May mga kelangan pa bang style iyon? Like mga isusuot ganyan? Alam niyo naiisip ko pa lang, sumasakit na iyong ulo ko. I really need your help.

11. Wedding Coordinator

On The Day Wedding Coordinator pumapalo siya ng 25k pesos. Kelangan ko pa ba nito?

12. Wedding Gown

May idea ba kayo kung saan pwedeng bumili? Gusto ko iyong mapapasaakin after, pero sa reasonable price. Hehe Narinig ko meron sa Divi, saan doon? Anong shop?

13. Cake Topper

Iyong Military Man and Nurse na Cake Topper, meron akong nakita dati, pero ‘di ko alam saan iyon nabili e. May alam ba kayo?

14. PMA Band

Na-try niyo na po bang mag-attend ng Kasal sa PMA na merong PMA Band? Pwede niyo ba silang tanungin kung sakali, paano iyong protocol to ask them to perform?

15. PMA Cadets for Draw Sword

E ito? Please tell me!

16. PMA Lopez Hall

How early do we need to ask for permission, and paano? Kanino?

17. Caterer

Ano ba ang price range ng mga Caterers ngayon? Parang naririnig ko 500pesos daw per head ang pinakamura ngayon, ganun na lang ba ka-mahal? Hehe

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

18. Sounds and Lighting System

Pwede ba kayang humiram sa PMA? Or hahanap kami sa ibang supplier or contact?

19. Requirements from Munisipyo

Cenomar and Birth Certificate namin, then ano pa ba?

*****

Gosh!! Super hindi ko na alam ang gagawin. First of all, ano ba dapat kong simulan? Sa sobrang dami kong ginagawa sa present life ko, at kahit way too far pa iyong wedding date namin, dahil nga OC ako,  as early as possible, gusto ko nang maghanda. I live by goals, gusto ko na matapos lahat ng ‘to or else hindi ako makaka-move on sa bagong goals or bagong idea sa utak ko. Hehe sobrang ADHD lang, please, kung sino pong may mga idea, this time, I want your answers!! I will be waiting patiently for your messages. I know you will be very glad to help me. I’m so excited to read your comments/personal messages! Thank you in advance!

Above photos from Helena Lopes via pezels.com

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE