Bakit May Mga Kadeteng Hindi Pa rin Makuntento Sa Iisa?

Ay grabe siya oh. Hehe

Guys, eto iyong tanong saakin ng isang reader natin, actually tanong ko rin iyan e.

Meron kasi talagang mga Kadete na hindi na nga Kevin, iba-iba pa ang sim kasi iba-iba ang girlfriends.

I’m totally being honest with you, meron talagang mga Kadete ang ganiyan… I know, kasi may mga Mistah si Sancho na ganiyan…

Naisip ko lang ha, ano ba talagang dahilan kung bakit ‘di sila makuntento sa iba? Eto iyong mga naisip ko, pero baka may gusto pa kayong idagdag:

1. Hindi Siya Masaya Sayo

Sige, oo, sabihin na nating jerk siya kasi naghahanap pa siya ng iba. Pero, isipin mo lang, kung masaya siya at kontento na sayo, bakit pa iyan maghahanap ng iba ‘di ba?

TIP: Huwag na huwag ikakasama ng loob mo na niloko ka niya, magpasalamat ka pa nga dahil nalaman mo agad, habang hindi pa kayo kinakasal, or i mean hindi pa kayo ganun ka-long term, or sorry kung long term na kayo, pero at least, hindi pa huli ang lahat. Nalaman mo agad na ganun siya. Edi hindi na madaragdagan iyong panahon na ginugugol mo para lang lokohin ka niya.

2. Hindi Ka Niya Mahal

Parehong bagay lang naman iyon sa itaas e. E hindi ka nga niya mahal e, bakit siya magko-commit sayo? Sorry harsh lang, pero kung ganitong lalaki ang mahahanap mo, wag ka nang magpatumpik-tumpik, hiwalayan mo na iyan girl. Kapag pinatagal mo pa iyan, hoping na magbago pa siya, pwes, para ka na lang din kumuha ng malaking bato na ipupukpok mo sa sarili mo. Sorry harsh lang.

3. Collect & Select

Guys parang ref magnet lang hahaha. Bakit naman ganun? Tinanong ko nga rin kay Sancho iyan, sabi niya, meron talagang ganiyan na tao, mag-iipon muna sila tapos para wide range ang choices na pagpipilian nila. Kapag ganito ang Boyfriend mo, uulitin ko uli, hiwalayan mo na iyan. Gusto mo bang maging choice ka na lang?

**ADS HERE: EARN EXTRA ONLINE: CLICK ME TO FIND OUT**

4. Hindi Siya Committed

Wala lang talaga sa Vocabulary niya ang salitang commitment guys. Bakit ba kasi pinipilit pa nating i-sugarcoat diba? E hindi nga niya gusto sa isang relationship e. Or kung gusto man niya, baka gusto niya iyong open relationship, at kung willing ka rin na ganun ang maging set up niyo, dapat pag-usapan niyo at dapat may informed consent iyan. Hindi lang one way street.

5. Geographical Reason (Nakakaloka Itong Item Na ‘To)

Personally meron akong nakilala guys na isang Kadete, ang dami niyang ebababs na ka-textmate, ka-meet up. Every time na priv, iba-ibang babae ang kasama niya sa SM. Hindi ko na nga lang siya tinanong directly, pero parang nabanggit niya sa akin, “It won’t work anyway.” Kasi nga raw, taga Mindanao siya (guys, hindi lahat ganito, I mean hindi lahat ng taga-Mindanao ganito, pero iyong taong sinasabi ko, taga Agusan Del Norte iyan, totoo iyan ha, true story). 

Sabi niya saakin, “If  ever I had a girlfriend, I have to leave her anyway, kasi taga-South ako. Kung taga-Baguio siya or Luzon, that’s just it.” Para na lang niyang sinabi na girlfriend ka lang niya sa Luzon, or kapag nasa Luzon siya. Grabe! Kakaibang set of values ito guys.

6. Pampalipas Ng Oras

Gusto lang niyang may mag-entertain sa kaniya during his Cadetship Years sa Baguio. Believe it or not, meron talagang ganito.

***ADS HERE: Find Out How So Many Filipinos Around The World Are Making Full-Time Income ONLINE!***

FINAL THOUGHTS: Marami pang dahilan kung bakit may mga ganitong Kadete, actually hindi naman related ito sa pagiging Kadete nila, nasa tao iyan. Huwag na huwag nating huhusgahan ang isang profession dahil sa gawa ng ilang tao, hehe. I mean, diba, maraming Kadete or I should say, majority sa mga Kadete ang nakikipag-relationship na talaga namang future na agad ang iniisip, iyong serious agad. Tignan niyo na lang si Sancho. Nakilala ko siya first priv niya right after maging Plebe, ngayong 2018, 8 years na kami. Hahaha. Kami pa rin naman? Ganoon din sa iba naming mga kakilala at mga Mistah niya, Upper Class, at Under Class. Minalas ka nga lang, doon pa talaga sa frog, iyon pa talaga ang nakilala mo. Pero huwag kang ma-sad. Napagdaanan ko rin iyan. Makikita mo rin at makikilala iyong Sancho ng buhay mo. Promise!

This is it for now dahil pang-night duty ako at wala pa akong tulog. LOL

Above photo from Miss Ron. Thanks again, Ron! Anyways, their photo is very unrelated to the topic, going strong sila sa kanilang relationship; photo was edited from the original photo contributed

Read More: 9 Signs Your Cadet Isn’t Serious About You

***ADS HERE: IGNORE THIS ADS IF NOT INTERESTED***

Bakit Maraming Filipino Ang Naghihirap At Paano Mo Makokopya Ang Mga Milyonaryong Filipino? FIND OUT HERE

***ADS HERE: IGNORE THIS ADS IF NOT INTERESTED***