How To Get Poor: 6 Easy Steps To Follow

DISCLAIMER: THE FOLLOWING ARTICLE HAS ADVERTISEMENTS BELOW. Please don’t read this if you’re not ready to get your mind blown.

Warning: Itong babasahin mo ay hango sa matinding research na ginawa sa Cardboard University.

Malalaman mo ang step by step at 100% sure way to become POOR as soon as possible.

Kahit kailan hindi ka aasenso o yayaman ‘pag sinunod mo ‘tong steps na ‘to.

Yung ibang tips dito ay galing pa sa librong Think and Grow Poor.

Kaya ‘pag sinunod mo itong mga steps na ’to, I guarantee na magkakaron ka ng time and financial slavery.

Let’s get started…

STEP 1 – Gumastos Ng Wagas

Pagkasahod na pagkasahod mo ganito gawin mo… Punta ka kagad sa mall!

Punta ka doon sa mga branded na section. Bilhin mo iyong pinaka -atest na design. Tapos bahala ka na sa buhay mo, bilhin mo lahat ng magugustuhan mo.

ADDITIONAL TIP: Make sure na gumamit ka ng malaking cart para mas marami kang mabili.

Tapos pag may sale sa SM, punta ka at bumili ka ng kung anu-anong bagay. Kahit hindi mo kailangan bilhin mo!

Tapos ‘pag may bagong cellphone model na lumabas, kahit bago pa cellphone mo, bilhin mo na kagad yung bago.

Di ba gusto mo na mapa-bilib mga tropa mo?

Kaya OK lang ‘yan, ubusin ang pera dahil mas masarap magyabang sa barkada. ;D

Gawin mong motto ay “Gumastos ng wagas na parang wala nang bukas”

STEP 2 – Wag Na Wag Mag-Save

YOLO! You Only Live Once. Kaya wag kang mag-i-ipon. Ang corny n’yan! Ang pag-iipon para lang ‘yan sa mga matatanda.

Ang ipunin mo resibo ng mga pinamimili mo. Mas OK yun!

Anong gagawin mo sa ipon eh mas masarap magka-iPhone ’di ba?

STEP 3 – Magpabaon Sa Utang

Oh yeah! Mangutang ka kahit sa kahit kanino. At wag lang basta utang.

Dapat yung utang na siguradong hindi mo kayang mabayaran.

Mag-apply ka sa lahat ng credit card providers. Tapos bili ka pa ng mga gadgets na isang beses mo lang gagamitin.

Mas maganda kung may kakilala kang bumbay. Utang ka din dun kasi mas malaki sila tumubo five-six.

STEP 4 – Wag Mag Plano

Always go with the flow. ‘Pag may biglaang gimik o kaya pag nagkayayaan sa outing go lang ng go. Another opportunity ‘to para ubusin ang pera mo.

Kailangan mong gamitin ang strategy na madalas gamitin ng mga unsuccessful at poor. Ang tawag dito sa strategy na ‘to ay impulsive buying.

Tandaan mo… Wag na wag kang magpa-plano dahil ang pagpa-plano… ‘yan ang pipigil sa paghihirap mo.

STEP 5 – Isang Income Source Lang

‘Wag ka din hahanap ng additional source of income. Mortal sin ‘yan ng pagiging poor.

Dapat isa lang ang source ng income mo. Para ‘pag sinuwerte ka at napatalsik ka sa trabaho… BOOOM sigurado ‘yun poor ka kaagad.

Baka mapasigaw ka pa ng OH YES! UNSUCCESS!

Pag may nakita kang kahit anong opportunity, siguraduhin mong maging close-minded ka ha?

Ang pagiging open minded ay para lang sa mga mayayaman.

Maniwala ka lang na lahat ng bagay ay IMPOSIBLE!

Walang posible sa mundong ‘to. Lahat ng nakikita mo fake lahat ‘yan OK?

STEP 6 – Sumama Ka Sa Mga Negative

Ito talaga and pinaka sikreto sa paghihirap!…

Makipag halubilo ka sa mga maling tao. Mga tao na may poor mindset at negative thinker.

Sila yung mga tao na tutulong sa’yo para maging very poor.

Ganito gawin mo… Hanap ka ng mga sumusunod:

– Tsimosa
– Sugarol
– Basagulero
– Batugan
– Lasingero

Tapos make sure na araw-araw ay napapalibutan ka nila.

Araw-araw mo silang kausapin at pakinggan.

Pumunta ka din ‘pag may mga gatherings sila. Tuald ng Tambayan sa kanto, Tsimisan sa gilid, Inuman sa tindahan at marami pang iba.

There you have it, How To Get POOR Quickly!!!

Napaka-effective nitong steps na ‘to dahil ito yung eksaktong ginawa ng 99% ng mga Pinoy.

Kaya sigurado ako sa effectiveness nito kung gusto mong maghirap.

Eh pano naman kung ang gusto mo eh maging mayaman?

Wag na ‘yun mahirap yun!

Pero simple lang gagawin mo,… kabaligtaran ng lahat ng mga ‘yan! 

Magsimula ka dito:

CLICK THIS LINK AND LET’S GET STARTED!

Good luck on your journey to your success!

TOPMOST PHOTO Fancycrave VIA PEXELS.COM

TEACH ME NOW!