Cadet Dolls: Boon or Bane?

Tradition wears a snowy beard, Romance is always young.

There have been “rumors” about the Cadet Dolls even before we reach the technological advancements we are enjoying nowadays, kahit iyong kopong-kopong pa raw, ay naniniwala na ang mga Cadets and Kaydet Girls dito:

na… JINX daw ang magbigay ng Cadet Dolls sa mga Girlfriends kung Kadete ka… hmmm…

Again, ths was asked by our Reader, Miss G.

Dahil dito, nag-create tayo ng poll, and we ran it for 7 days.

Actually nagulat din ako sa kinalabasan ng poll, hehe…. I didn’t expect ganun na lang ang magiging reaction ng mga Readers natin, they’ve shared their own stories about the cadet doll issue. Again, thank you for participating everytime we do a poll, your thoughts and efforts are deeply appreciated!

Check out PMG’s Be Your Own Boss Campaign Here! (Free Ebook!)

I’ve tried searching the internet if there is a story regarding this “jinx” stuff about the Cadet Dolls, pero wala talaga akong nahahanap, siguro kasi, sa Corps Mag natin ito mababasa sa mga past issues (OoopS! Before I forget, may articles pala ang PMG sa following issue ng Corps Mag ha, abangan niyo, and please, paki-picture and paki-tag niyo ang PMG if ever ha! Pakisabi kay Cadet thanks in advance! hihi)

So here is the picture of our POLL: CADET DOLL JINX OR NOT

With 33 Votes, 52% ang nagsabi na JINX iyon, kasama ang explanation nila kung bakit nga jinx iyon, some of our Readers, dahil hindi naging successful ang kanilang relationship with the Cadet, and some naman, were actually talking about their Husbands’ exes na nabigyan ng Cadet Doll.

48% naman sa ating readers ang nagsasabing, hindi ito jinx kasi nagkatuluyan sila ng kanilang mga Cadet.

Medyo close fight ano? hehe Personally, gusto kong sabihin na, wala naman talagang jinx or what, (first) depende talaga iyon sa relationship ninyo sa bawat isa, I mean kung paano niyo ba talaga i-handle iyong relationship, (second) kapag kayo talaga ang para sa isa’t isa, gagawa kayo ng paraan to stick together no matter what, kahit sandamakmak pa ng jinx na tradisyon ang sinasabi sa mga kwento.

Work With Kim Sancho

Para sa mga nagsasabing may jinx iyon, sa akin kasi, wala akong natanggap na Cadet Doll nung naging kami na. Binigyan niya lang ako nung magkaibigan pa lang kami… or nung nanliligaw pa lang siya sa akin, so safe diba? haha so hindi ko masasabing walang jinx or meron nga dahil nga hindi naman niya iyon binigay sa akin during the relationship.

Pero kidding aside, Ladies, remember this: karaniwan sa mga nagbi-break talaga, kahit hindi pa iyan Cadet, nakikipag-break sila kasi hindi na sila masaya, or hindi ka nila mahal (take it from me kasi na-try ko ring masaktan ng isang Kadete, ehem, if nagbabasa si Sancho nito, ewan ko lang, lol, pero totoo ito, nagkaroon din ako ng unsuccessful lovestory sa isang Cadet at hindi ito si Sancho, I will share this to you kapag natapos ko na iyong Ebook about breakup, entitled: “Ha? Break Na Tayo? Di Nga?!”).

Itong unsuccessful love story ko na ito, iyong guy, hindi niya ako binigyan ng Cadet Doll, hahaha pero tignan niyo, nag-break kami diba? Kasi, hindi kami para sa isa’t isa. Ganun lang talaga iyong dahilan nun.

Check out PMG’s Be Your Own Boss Campaign Here! (Free Ebook!)

Alam ko kasi maraming Readers natin nagmemessage sa akin regarding how to cope with breakup, etc… I feel you, don’t worry, you’ll get by, you’ll be fine, I promise. Isipin mo ha, kung hindi kami nagbreak ng past love ko, edi wala akong Sancho ngayon diba? hehe for sure, mahahanap ka rin ng “Sancho” ng buhay mo, okay?

Para naman sa mga Readers natin na happily married, thank you po. Una sa lahat dahil kayo ang aming mga inspirasyon pagdating sa relationship. Kaming mga girlfriends pa lang ng mga Soldiers and Cadets, sobrang nagnanais din kami na magkaroon ng love story na happily ever after katulad po ninyo, at pinatunayan niyo lang po na after all these things, kayo pa rin naman ni Sir, and ganun din ang alam naming future kasi iyong path na dinaanan nio noon, iyon din iyong path na dinaraanan namin ngayon… Second thank you po kasi you are guiding us in one way or another to actually ease our lonesomeness while our Soldiers are away, kayo nga kinakaya niyo kasama na ang mga proud military kids niyo, paano pa kami? Dapat kayanin din namin diba? Again, thank you.

So Ladies (and Gentlemen),  this sums up the poll. Oo nanalo iyong JINX part pero hindi pa rin iyon ang dahilan kung bakit hindi kayo nagkatuluyan, or pwede rin naman nating i-put iyong blame sa tradition na iyan to ease your pain. Whatever you decide to do, after all, kwento mo ito, and your love story has just begun. Huwag na huwag mong hahayaan na titigil iyong mga matatamis mong ngiti dahil lang sa isang frog, okay? Hehe Tama na… love ka naman namin dito sa PMG. Kaya ok lang iyan ha. <3

Check out PMG’s Be Your Own Boss Campaign Here! (Free Ebook!)

 

“I love thee to the depth and breadth and height my soul can reach.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *