5 Problems OFWs Hide From Their Family

“You will never understand untill it happens to you.”

5 Problems OFWs Hide From Their Family

#1 Kinakapos Sa Budget

Sa totoo lang, nahihiya tayong mga OFW na sabihin sa mga ka-pamilya natin na wala na talagang matitira sa atin kapag pinadala natin iyong hinihingi nila this month na dagdag sa naibigay na natin, pero since malakas sila sa atin, wala naman tayong magagawa kasi maski sila sa Pilipinas, mas malaki ang pangangailangan.

Nakakatawa nga e kasi minsan, pati sa pagkain, nagtitipid na rin tayo para lang umabot iyong natitirang pera natin para susunod na sweldo. Smile dyan ang mga nakakarelate hehe…  nakak-relate ka ba? Apir tayo, hindi ka nag-iisa my friend.

Read More: OFW Story: Things We Miss From “Pinas”

#2 Walang Savings

Halos lahat ng kakilala kong dating OFW, at mga kasama kong Filipinos dito, ay walang savings, gaya ko. Hehe Imagine naman kasi, anong itatabi namin para sa savings? E kaliwa’t kanan ang binabayarang loans, kahit utang ng kapamilya mo, ikaw pa rin ang nagbabayad. Ganito tayo e. Kaya tayo pumunta sa ibang bansa ay para matulungan ang family natin, kasi para sa atin, magiging maayos din ang buhay ng family natin, eventually, maiahon na rin natin sila sa hirap–iyan ang nasa isip natin kaya padala lang tayo ng padala.

 

GET YOUR FREE EBOOK COPY NOW!

#3 May Utang Din Tayo Dito

Since kinakapos nga, hindi naman talaga maiiwasan na meron tayong magiging utang sa ibang Kababayan natin, dahil alangan namang tiisin mo iyong gutom mo? (May iba akong kakilala na ganito, at maski ako, nasubukan ko na iyan, lalo na nung mga unang taon ko sa abroad). Pero ang hirap lang isingit sa video call mo sa family mo na, “Bawasan ko muna iyong ibigay ko next month ha para makabayad ako sa nahiram ko sa katrabaho ko.” Ang hirap diba?

#4 Financial Support After Contract

Relate siguro iyong mga contract workers na OFW nating kababayan tulad ko na nag-aalala talaga tayo kung sino na ang magpo-provide sa family natin kapag natapos na ang contract natin. Siyempre, uuwi na tayo sa Pilipinas, hindi naman pwedeng mag-stay kasi tapos na nga ang contract diba? Smile na lang tayo. Unless meron pang chance mag-stay ka or mag-extend ka, pero ikaw, gusto mo pa bang mawalay ng mas matagal sa pamilya mo? hmmm…

#5 Hindi Lahat ng OFW Mayayaman

Natawa ako sa sinabi ng isang kapitbahay namin, dahil sabi niya sa Nanay ko, “bakit wala pa kayong magandang bahay? Iyong mga kakilala kong OFW na nasa JAPAN ang lalaki ng mga bahay nila at ang gagara pa ng mga kotse.”

Grabe hiyang-hiya naman talaga ako sa taong iyon hahaha. I-kumpara ba naman. Kung alam lang niya kung gaano kahirap ng buhay dito sa abroad at hindi ako money-making machine.

Uulitin ko lang, HINDI LAHAT NG OFW MAYAYAMAN. Hindi ko sinasabing, walang OFW ang umaasenso, pero sa una, mag-struggle talaga iyan, mangangapa paano ka didiskarte sa ibang bansa. Siguro iyong mga nakikita ng ibang tao na sobrang ganda ng buhay dahil may Abroad silang kamag-anak, siguro dahil iyon sa sobrang pagtitipid, at sobrang pagttyaga ng ilang taon para makapag-pundar ng ganon kalaking bahay o makabili ng magarang kotse. Sobrang saludo ako sa mga ganun Kababayan natin.

Pero para ikumpara naman ang bawat resulta ng isang kakilalang OFW sa iba, hindi naman siguro makatarungan iyon, kasi iba-ibang problema, pasakit at kwento ang nasa likod ng pag-alis natin sa Pilipinas.

FINAL THOUGHTS: Akala ng mga kamag-anak natin, ang ganda ganda ng buhay dito sa abroad. Akala nila nagpapakasarap tayo. Kaya naman minsan kung makahambing sila sa mga resulta ng ibang OFW na matagal na sa ibang bansa, sobrang wagas. Masakit lang na kapwa mo Filipino rin ang ganiyan sayo. Hindi nila alam, kasi hindi pa nila nararanasan.

Kung OFW ka, at binabasa mo ito ngayon, saludo ako sayo! Grabe. Iyong hirap at pagod sa araw-araw, iniindi natin para sa family natin, kahit inaapoy ng lagnat, pipiliting magtrabaho para matustusan ang pangangailangan nila sa Pilipinas. CONGRATULATIONS! Isa kang Bayani ng Pilipinas! 🙂 Basta tatandaan mo, lahat ng mga pangarap mo, matutupad mo iyan basta may kalakip na diskarte at pananalig sa Itaas! ~Hanggang sa muli!

Read More: 10+ Things OFWs Won’t Tell Their Loved Ones

GET YOUR FREE EBOOK COPY NOW!

 above photo from Lex Overtoom via pexels.com

Read More: OFW Story: Things We Miss From “Pinas”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *