How To Avoid Heated Arguments

It’s You & Me VS. The Problem NOT You VS. Me

Since marami sa inyo, Readers natin, ang nagme-message sa PMG dahil sa kanilang mga heartbroken stories, tampuhan, and mga away na nagsimula lang sa “pagka-miss” and all… Tonight, ito iyong topic natin…

HOW TO AVOID HEATED ARGUMENTS

“Mag-aaway lang tayo, pero hindi tayo maghihiwalay.” -Sancho

I am not saying na kami ni Sancho, hindi kami nagdadaan sa mga problema, kasi kung hindi rin kami nagdaan sa mga tampuhan or mga break up stories, hindi kami magiging matibay at aabot sa 8 years hehe… pero iyang nga, ganiyan sinasabi niya kapag inaaway ko siya… “Mag-aaway lang tayo, pero hindi tayo maghihiwalay.” Ang sweet ‘no? Haha Pero hindi iyan sweet ‘pag beast mode ka. LOL

Yes, normal lang magkaroon ng tampuhan… Pero hindi ito ang dahilan para mag-away na kayo. Magtatampuhan, pero magpapatawaran din sa bandang huli. Ganito kasi ‘yan e, kapag meron kayong arguments, lagi niyong titignan iyong sarili niyo objectively, at kung ano ba talaga iyong issue. Hindi iyong, “Ikaw kasi e…” Hindi ganun.. Haha siyempre sa mga Ladies na medyo bagets bagets pa, mapupusok pa ang damdamin, huminahon lang tayo… Huwag na huwag magbibitiw ng masasakit na salita na hindi na natin kayang bawiin.

Check out PMG’s Be Your Own Boss Campaign Here! (Free Ebook!)

Okay, nag-away kayo kasi hindi siya nakapag-reply agad o kaya umalis siya sa kalagitnaan ng heated argument kasi hindi mo alam, baka rin may duty siya di ba o tinawag ng Upper Class or ni Bossing… Minsan kasi nagsisimulang lumala ang isang tampuhan, magiging away, kapag tayong girls, uminit na ang ulo o kaya naman, napikon… hahaha lagi namang ganun di ba.. siyempre babae lang din tayo, marami tayong intensed or extreme emotions.. Hormonal? Lol

Una rin kasi sa lahat, napipikon tayo kasi nga hindi nila nami-meet iyong expectations natin… Arguments start with unmet expectations. Ito observation ko lang sa relasyon namin ha… In-assess ko kasi sarili ko e, madalas kasi akong mainis dati sa kaniya kapag seen lang message ko or kapag may sinasabi ako na parang hindi naman niya siniseryoso, lalung-lalo pa kapag may important discussion kami tapos bigla na lang siyang umaalis ng walang paalam..

Di ba, nakakainis naman talagay iyon? Hahaha… Natanong ko sa sarili ko, napakadaling intindihin naman sana na may trabaho iyong tao, kaya siya biglang umaalis or what… tapos ako bakit ako maiinis? Kasi nga, gaya ng sabi ko, unmet expectations. Ine-expect ko kasi sa kaniya, pakikinggan niya ako, that we’ll discuss things thoroughly ganiyan, o kaya magiging sobrang available siya sa akin, kasi nga, hello, girlfriend niya ako. Iyan iyong mga expectations ko, pero hindi niya nami-meet because of some reasons—reasons na valid naman di ba?

Work With Kim Sancho

Everytime na nag-away kayo, huwag kaagad maninisi. Alamin mo muna kung anong dahilan bakit in the first place, seen zone ka lang, o kaya hindi siya kaagad naka-reply or what.. Sabi nga nila, give the benefit of the doubt... Sige, para sa mga bata pa na hindi masyadong maiintindihan iyan (kasi ako rin noon inaamin ko hindi ko talaga iyan ma-gets haha), ano ba iyong benefit of the doubt? Ito iyong bibigyan mo iyong tao ng “space” para sa mga bagay na “nagawa” na niya na hindi dapat magawa kasi ina-accept mo iyong possibility na meron siyang valid explanation kung bakit niya iyon nagawa–don’t get me wrong when I say, “bagay na nagawa niya” ha, iba pa rin iyong mambabae siya or what ibang usapan na iyon… What I’m trying to say is, iyong mga bagay na nagawa niya na kinasama ng loob mo like seen zone ka, or hindi ka niya natawagan ng ilang araw…

Everytime na darating tayo sa point na mag-aaway, or siya iyong pinaka-nakakainis na tao at the moment, lagi mong tatanungin iyong sarili mo, bakit ka ba talaga nagagalit? Sabihin mo nga sa sarili mo ano na lang ba iyong dahilan na magalit ka na lang ng ganiyan? Kung may point ka naman kung bakit ka nainis sa kaniya, huminahon ka muna bago mo siya kausapin… YOU and HIM versus the problem, NOT you versus him. Ok?

Tignan mo lagi ang situation objectively, ano ba talaga ang nangyari? May reason ba siya na gawin iyon? Nag-sorry na ba siya? Nagpaliwanag na ba siya? Bago ang lahat, kinalma mo na ba iyong sarili mo? Ok kung ok na lahat ng mga iyan, this time, pag-usapan niyong dalawa na parang teammates, ano ba iyong pwede niyong gawin para hindi na iyon mangyari. Pwede bang, i-message ka muna niya bago siya umalis or before hand magsabi na siya na magiging busy ka para kapag naputol ang usapan niyo, alam mo na na busy na siya. Pag-usapan niyo ano ang dapat niyong gawin. Pareho kayong matatalinong tao, at kaya niyo iyan pag-usapan.

OPEN COMMUNICATION is the key to a happy and lasting relationship. Dapat marunong kayong mag-communicate ng feelings niyo sa isa’t isa through words, bakit ka galit, bakit ka nainis, bakit ka masaya, bakit ka in love, mga bagay na sobrang importante.

Kasi sa relationship natin, bihira tayong magkita, kaya kahit na gusto mo na lang sana ay yakapin ka niya para hindi ka na galit, e hindi naman niya iyon magagawa diba? Wish niya lang hahaha… Pinagseseparate kayo ng malayong distansiya e… and since LDR tayo, tandaan mo ‘to, 97percent of Communication is NON-VERBAL. May 3percent lang tayong kailangang gamitin sa tamang paraan para healthy ang relationship natin.. Kasi, iyong part na NON-VERBAL, hindi mo naman iyon magagawa di ba? hehehe so make the most out of the 3percent na natitira which is iyong VERBAL part.

REMEMBER: Bago ka magsalita, huminahon ka muna. Iyan ang totoong Military Girlfriend/Military Wife, laging kalmado iyan.

This is it for tonight, I hope marami kang napulot na lesson sa aking post na ito, paki-tag mo iyong love of your life para ma-open iyong mind niya na meron siyang mga expectations na kailangang i-meet para ikaw laging masaya, haha because remember, Happy Wife (or GF), Happy Life! Lol Para ‘di siya miserable ‘pag inaway-away mo. lol

“Baby, just because we have arguments doesn’t mean I’m going to break up with you. I love you.”

GET YOUR FREE EBOOK COPY NOW!

 above photo from freestocks.org via pexels.com

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *